^

Police Metro

2014 sasalubungin ng dagdag-pasahe sa LRT, MRT atbp.

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t marami ang Pilipino na may pag-asang nakikita sa pagpasok ng 2014 ay iba naman ang paniniwala ng grupong Buklurang Mangagawang Pilipino na patuloy ang paghihirap lalo na ng mga ordinaryong mangagawa dahil sa sasalubong na sari-saring pahirap na ipapasa ng pamahalaan sa taumbayan.

Ayon sa BMP, kabilang sa hindi maiiwasan ang pagtataas sa pasahe sa Light Rail Trainsit Line 1 at Line 2 at Metro Rail Transit na siyang pangunahing gamit sa transportasyon ng mga mahihirap dahil sa murang pasahe.

Bukod dito, inaasahang matatapos din sa Enero 2014 ang inilabas na “temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema at hindi pa tiyak kung tuluyang ipatatanggal ng korte ang P4.15 kada kilowatt­hour na pagtataas sa “generation charge” ng Manila Electric Co. (Meralco) kung hindi magiging pabor sa mga consumers ang desisyon ng korte, tiyak na dagdag-pahirap sa mga mahihirap ang napakalaking pagtataas sa singil sa kuryente.

Ilan pa sa umano’y dagdag-pahirap sa 2014 ay ang pagtataas sa kontribusyon sa Social Security System (SSS) at PhilHealth habang ang mga ehekutibo nito ay tumatanggap ng milyun-milyong bonus, patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at LPG (liquefied petroleum gas), at pribatisasyon ng mga pampublikong pagamutan na inaasahan ng mga mahihirap na matatakbuhan kapag may nagkasakit sa pamilya.

 

AYON

BAGAMA

BUKLURANG MANGAGAWANG PILIPINO

KORTE SUPREMA

LIGHT RAIL TRAINSIT LINE

MANILA ELECTRIC CO

METRO RAIL TRANSIT

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with