^

Police Metro

Bonifacio, kikilalaning unang Pangulo ng Pilipinas

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nais ng Makabayan bloc sa Kamara sa kanilang resolusyon na inihain na kilalanin si Andres Bonifacio bilang kauna-unahang presidente ng Pilipinas.

Kabilang sa Makabayan bloc na naghain ng House Resolution  No. 651 ay sina Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, ACT Teachers Party-List Rep. Antonio L. Tinio, GABRIELA Women’s Party Rep. Luz Ilagan at Rep. Emmi de Jesus, ANAKPAWIS Rep. Fernando Hicap, KABATAAN Rep. Terry Ridon, at BAYAN MUNA Rep. Carlos Isagani Zarate.

Kasabay nito hinihikayat din ang Pangulo na siyang mag-takda sa pamamagitan ng Department of Education at Commission on Higher Education na siyang gumawa ng hakbang kung paano ipapaalam at itutuwid ang katotohanan sa history books, elementary, high school at tertiary education at iba pang kahalintulad na medium of information.

Base umano sa orihinal at authentic documents ng Philippine revolution laban sa bansang Spain at pinatunayan ng historians tulad nila Milagros C. Guerrero, Emmanuel N. Encarnacion at  Ramon N. Villegas, si Andres Bonifacio ang unang nagtatag ng national government ng Pilipinas at nagsilbing pangulo mula  August 24, 1896 hanggang sa pagkamatay nito noong  May 10, 1897.

Ginawa umano ang national convention ng Kataas-taasang Kapulungan o National assembly ng Katipunan noong Agosto 24, 1896  sa lugar ni Melchora Aquino sa Barrio Banlat na ngayon ay bahagi ng Caloocan at sa nasabing pagpupulong ay nagpasa sila ng resolution na nagdedeklara ng nationwide armed revolution laban sa Spain, pagtatatag ng National Govern­ment at paghahalal ng mga opisyal na mamumuno sa bansa at sa army.

Bukod sa Manila, ang Katipunan ay mayroong malaking bilang mula sa ibang chapters sa  Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija, at maliit na  chapters sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, Pangasinan gayundin sa Bicol region na tinatayang mayroong miyembro na 30,000 hanggang 400,000.

ANDRES BONIFACIO

ANTONIO L

BARRIO BANLAT

BAYAN MUNA REP

CARLOS ISAGANI ZARATE

DEPARTMENT OF EDUCATION

EMMANUEL N

FERNANDO HICAP

HIGHER EDUCATION

HOUSE RESOLUTION

ILOCOS NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with