^

Police Metro

Trader todas sa ambush

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 63-anyos na negosyante ang idineklarang dead-on-arrival sa Manila Doctor’s Hospital matapos pagbabarilin habang naglalakad sa Malate, Maynila kahapon ng hapon.

Ang biktima na nagtamo ng dalawang  tama ng bala sa ulo, isa sa dibdib at isa sa kanang braso ay kinilalang si Victor Mendoza, may-asawa, residente ng no.  1827 Taft Avenue Malate, Maynila.

Hindi pa kilala ang dalawang lalaki na hinihinalang hired killers sakay ng isang motorsiklo.

Sa ulat, dakong alas-12:15 ng hapon ay nag­lalakad ang biktima sa Vasquez  St., malapit sa panulukan ng Pedro Gil St., Malate, Maynila nang ito ay pagbabarilin.

Nabatid  na katatapos lamang mananghalian ng biktima at ugali nito na maglakad-lakad muna habang busog, nang biglang sumulpot ang riding in tandem at pagbabarilin.

Nang nakahandusay na sa kalye ang biktima ay bumaba sa motorsiklo ang isang suspek at muli pang pinaputukan upang matiyak na hindi na ito mabuhay pa.

Nabatid na karara­ting ng biktima kamakalawa sa bansa mula sa pagbabakasyon sa Hong Kong kasama ang misis, kaanak at bayaw.

vuukle comment

HONG KONG

ISANG

MANILA DOCTOR

MAYNILA

NABATID

NANG

PEDRO GIL ST.

TAFT AVENUE MALATE

VICTOR MENDOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with