^

Police Metro

Xmas Day bust: P400-M shabu nasabat sa Batangas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakumpiska ang mga otoridad ng mahigit 80 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P400 milyon sa isang pagsalakay sa Lipa City, Batangas kahapon ng umaga.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Fernando Sagun Jr. ng QC RTC Branch 78, sinalakay dakong alas-7:00 ng umaga nang sala­kayin ng mga tauhan ng pinagsanib na elemento ng PDEA, AIDSOTF at Batangas police  ang LPL Ranch, Brgy. Inosluban, Lipa City na pag-aari ng isang George Torres at naaresto ang tatlong tauhan na kinilalang sina Gary Tan, 28, farm ma­nager, Arjay Argenos, 29 at Rochelle Argenos, 28, pawang mga farm caretaker ng mga panabong na manok at wala ang may-ari ng farm.

Batay sa ulat, apat na buwan na sinubaybayan ang drug syndicate na Mexico drug connection na responsable sa pagpapapasok ng droga sa bansa hanggang masakote nila sa Lipa City.

Nakakumpiska rin ng isang shotgun at isang pistola mula sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2012 at illegal possession of firearms ang mga arestadong suspek.

ARJAY ARGENOS

BATANGAS

BATAY

GARY TAN

GEORGE TORRES

JUDGE FERNANDO SAGUN JR.

LIPA CITY

NAKAKUMPISKA

ROCHELLE ARGENOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with