^

Police Metro

Bus driver ng Don Mariano namatay na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Makaraang isang linggo na pagka-comatose ay pumanaw na kamakalawa ng gabi ang driver ng Don Mariano bus na nahulog sa Skyway noong Disyembre 16.

Sa salaysay ni Efren Risomadero, nalagutan ng hininga ang kanyang pinsan na si Carmelo Calatcat dakong alas-6:43ng gabi habang nasa “intensive care unit (ICU) ng Parañaque Doctors Hospital. Hindi pa naman nag-iisyu ng opisyal na pahayag ang pagamutan.

Sinabi pa nito na nasa pagamutan din ang live-in partner ni Calatcat na si Ledelyn Mondelangat nang bawian ito  ng buhay. 

Matatandaan na minamaneho ni Calatcat ang Don Mariano ordinary bus noong nakaraang linggo nang mawalan ng kontrol at malaglag mula sa itaas ng Skyway na nagresulta sa pagkasawi ng 18 katao.

Una na ring sinampahan ng kasong kriminal at administratibo ng mga kaanak ng mga nasawing pasahero si Calatcat habang isang class suit ang pinaplano laban sa pamunuan ng Don Mariano Transit na sinuspinde ang prangkisa.

vuukle comment

CALATCAT

CARMELO CALATCAT

DISYEMBRE

DOCTORS HOSPITAL

DON MARIANO

DON MARIANO TRANSIT

EFREN RISOMADERO

LEDELYN MONDELANGAT

MAKARAANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with