Bills ni Enrile, inismol ni Miriam
MANILA, Philippines - Inismol ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang mga bills na inihain ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile sa Senado.
Kahit malapit na ang Pasko ay hindi pa rin nagpapigil si Sen. Santiago sa pagtira kay Sen. Enrile.
Ayon kay Santiago, sa mga senador si Enrile ang may pinaka-kaunting inihain na panukalang batas na umabot lamang sa 16.
Kinumpara pa ni Miriam ang kanyang inihaing bill na umabot sa 618 na maituturing na top notcher sa mga senador pagdating sa mga isinulong na panukala.
Ani Santiago, mas lubhang marami ang kanyang inihaing panukala kaysa kay Enrile sa kabila ng sitwasyon na siya ay naka-sick leave pa dahil sa karamdaman na chronic fatigue syndrome.
Kabilang sa mga senador na may maraming iniÂhaing panukalang batas ay si Sen. Jinggoy Estrada na umabot sa 543 na nasa pangalawang pwesto, pangatlo si Sen. Antonio Trillanes na may 249.
Magugunita na maging sa plenaryo ng Senado ay nagkapersonalan sina Santiago at Enrile nang mag-ungkatan ng baho at umano’y katiwalain.
- Latest