Gunmen ng Zambo mayor, tukoy na
MANILA, Philippines - Nabatid kahapon mula sa binuong Task Force Talumpa na tukoy na nila ang pagkakakilanlan ng mga gunmen o namaril at nakapatay kay Labangan, Zamboanga del Sur MaÂyor Ocol Talumpa at sa tatlo pang katao sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nitong nakaraang Biyernes.
Gayunman ay tumangi muna si SouÂthern Police District deputy director for opeÂrations Sr. Supt. Billy Beltran, pinuno ng Task Force, na magbigay ng ibang deÂtalye sa pagkakakilanlan ng suspek upang hindi maantala ang ikinasa nilang mga opeÂrasyon upang madakip ang mga ito.
Maliban sa alkalde, nasawi rin ang kanyang misis na si Lea, pamangkin na si Saripundon Talumpa, at 18-buwang gulang ng sanggol na si Phil Thomas Lirasan.
Malubha namang nasugatan ang isa pang pamangkin ng alkalde na si Romaida Talumpa; ina ng nasawing sanggol na si Mary Anne Lirasan, 28; Amalia Dela Cruz Lirasan, 58 at Dianne Philip Uy, 3-taong gulang.
Ayon kay Beltran, planado ang pamamaril at bihasa sa paggamit ng kalibre .45 ang mga suspek. Kaya umanong magpalit ng magazine ng baril ng mabilisan dahil maraÂming basyo ng bala ang narekober sa kinaganapan ng krimen.
Ilang sa mga anggulong tinitignan ngayon ng pulisya ay ang political rivalry, rido at droga.
Sa inisyal na imporÂmasyon ng mga awtoridad, matindi umano ang banggaan ng pamilya Talumpa at ng angkan ni dating Labangan Mayor Wilson Kity Nandang na sangkot din sa “clan warâ€.
Ang naganap na pagpatay sa alkalde ay ikatlong pagtatangka na sa kanyang buhay. Una ay noong 2010 sa Malate, Maynila nang hagisan ang kanilang sasakyan ng granada at ikalawa sa Pagadian City.
Napag-alaman na nasawi ang isang anak na lalaki ni Nandang sa panaÂnambang sa Sultan Naga Dimaporo sa Lanao del Norte nitong buwan ng Setyembre.
Naiuwi na sa ZamÂboanga del Sur ang mga labi ng mag-asawang Talumpa upang doon ihimlay.
- Latest