^

Police Metro

2 bomba itinanim sa kolehiyo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang bomba ang nadiskubre ng mga estud­yante at professor ng isang kolehiyo sa Zamboanga City kamakalawa.

Sa report, sinabi ni Police Regional Office (PRO) 9 Spokesman Chief Inspector Ariel Huesca, dakong alas-10:00 ng umaga nang magresponde ang mga ele­mento ng Zamboanga City Police Bomb Squad sa Zamboanga State College of Marine Science and Technology sa Brgy. Rio Hondo ng lungsod.

Ayon sa pulisya, tumawag ang mga staff ng nasabing kolehiyo at iniulat ang pagkakadiskubre ng nasabing hinihinalang pampasabog na itinanim sa bisinidad ng kanilang gusali.

Nagkaroon nang pag-panic ng mga professor at estudyante na nagpanakbuhan sa paglabas sa kanilang  mga classroom sa matinding takot .

Dala ang mga K9 dogs ay nagresponde ang bomb squad na agad pinalibutan ang lugar na kinatagpuan sa bomba na kinumpirmang isang uri ng ma­lakas na eksplosibo.

Ang nasabing bomba ay gawa sa 40 MM at 530 CS flite rite bukod pa sa Rocket Propelled Grenade (RPG) na maaa­ring makapinsala sa mga estudyante, professor at  maging sa gusali ng kolehiyo.

vuukle comment

AYON

POLICE REGIONAL OFFICE

RIO HONDO

ROCKET PROPELLED GRENADE

SPOKESMAN CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY POLICE BOMB SQUAD

ZAMBOANGA STATE COLLEGE OF MARINE SCIENCE AND TECHNOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with