^

Police Metro

Batay sa isiniwalat ni Miriam... DOJ-NBI TF vs Enrile

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -Bumuo ang pamahalaan ng isang special joint task force na kinabibilangan ng 7 miyembro mula sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan ang alegasyon ni Sen. Mi­riam Defensor Santiago laban kay Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na kinasasangkutan ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA). 

Sa ilalim ng department order number 994 na nilagdaan ni Justice Secretary Sec. Leila de Lima, itinalaga nito bilang chairman ng task force si Justice Undersec. Jose Justiniano kasama ang mga miyembrong sina Assistant State Pro­secutor Niven Canlapan,  Asst. State Prosecutor Nolibien Quiambao, State Counsel IV Adonis Sulit, State Counsel I Charles Romulus, at sina Atty. Jona­than Mengullo at  Atty. Catherine Camposano na kapwa galing ng NBI-Anti Graft Division.

Kaugnay nito, inatasan ni De Lima ang grupo na imbestigahan ang umano’y mga iligal na gawain ni Enrile lalo na ang sinasabing illegal importation o smug­­gling ng mga sasakyan sa CEZA.

Kabilang na rin ang usap-usapang pakikipag­sabwatan nito kay Cagayan Economic Zone Authority Admi­nistrator Jose Mari-Ponce at James Kocher na manugang ng senador at nagpapatakbo raw ng automobile importing operation.

Hindi rin lusot sa imbestigasyon ang illegal gambling sa Cagayan Special Economic Zone and Freeport, ang illegal logging sa pamamagitan ng San Jose Lumber na nagpaso ang lisensya noong 2007, pagsusumite ng palsipikadong statement of assets, liabilities and networth (SALN) at ang iba pang mga kahalintulad na criminal offenses.

Pinahihintulutan din ang task force na mag-evaluate sa mga nakalap na ebidensya at magrekomenda sa legal actions at imbestigasyon ng anti money laundering council (AMLC).

vuukle comment

ADONIS SULIT

ANTI GRAFT DIVISION

ASSISTANT STATE PRO

CAGAYAN ECONOMIC ZONE AUTHORITY

CAGAYAN ECONOMIC ZONE AUTHORITY ADMI

CAGAYAN SPECIAL ECONOMIC ZONE AND FREEPORT

CATHERINE CAMPOSANO

DE LIMA

DEFENSOR SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with