^

Police Metro

Misis inatado ng adik na mister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang ginang nang ito ay pagtatagain ng kanyang adik na mister habang nasu­gatan ang dalawang anak nito kamakalawa ng gabi sa bayan ng  Pigcawa­yan, North Cotabato.

Ang nasawing ginang ay kinilalang si Bainot Islah, na nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nilalapatan naman sa ospital ang dalawang paslit na anak matapos masugatan.

Agad naaresto ang suspek na si Teng Islah, isang kilalang drug user sa kanilang lugar sa isang follow-up operation ng pulisya kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang mag-iina sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Simsiman, Pig­cawayan  nang bigla na lamang pagtatagain ng machete ng mister at dito ay  napuruhan ang ginang.

Bagaman sugatan ay nagawang makatakbo ng dalawang bata na isinugod sa pagamutan ng mga nagmalasakit na mga kapitbahay.

 

 

vuukle comment

BAGAMAN

BAINOT ISLAH

BATAY

BRGY

NAMATAY

NILALAPATAN

NORTH COTABATO

PIGCAWA

TENG ISLAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with