^

Police Metro

Tserman tiklo sa entrapment

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nalambat sa isang entrapment operation ang isang barangay chairman matapos na hingan ng P15,000 ang 10 fruit vendor kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang suspek ay kinila­lang si Brgy. 285 Chairman Richmond Liu, 37 ng  no. 619 Asuncion St. Tondo, Maynila.

Sa ulat ni Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., hepe ng Manila Action and Special Assignment (MASA), isa sa mga vendor ang nagtungo sa kanyang tanggapan upang  ireklamo ang   panghihingi ni Liu sa kanyang mga kapwa vendor ng prutas  ng  P15,000 bawat isa at Makapagtitinda lamang umano ang mga vendor kung magbibigay ng  nasabing halaga.

Agad na isinagawa ang  entrapment operation  dakong alas 3:45 ng  hapon sa mismong barangay hall ni Liu kung saan dinakma ito sa aktong tinatanggap ang  marked money.

Nagtataka rin ang mga vendor kung bakit ngayon lamang sila hini­ngan ng nasabing  ha­laga samantalang  halos limang taon na silang nagtitinda sa  lugar.

vuukle comment

ASUNCION ST. TONDO

BERNABE IRINCO

BRGY

CHAIRMAN RICHMOND LIU

CHIEF INSP

LIU

MANILA ACTION AND SPECIAL ASSIGNMENT

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with