^

Police Metro

P.3-M naholdap sa LBC

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natangay ang nasa P300,000 cash ng mga hindi pa kilalang holdaper na nangholdap sa isang sangay ng LBC sa Bayugan City, Agusan del Sur kamakalawa.

Sa imbestigasyon, dakong alas-3:10 ng hapon nang holdapin ang LBC na matatagpuan sa kahabaan ng Rotonda, Brgy. Poblacion, Bayugan City.

Nabatid na nagpanggap na  mga kustomer ang mga suspek nang pumasok sa nasabing establisyemento at ilang sandali ay nagdeklara ng holdap habang dalawa pa sa mga ito ay nagsilbi namang lookout sa entrance at maging sa labas ng nasabing establisyemento.

 Tinutukan ng  baril ng isa sa mga suspek ang kahera na iniutos na ilagay ang pera sa bag saka mabilis ang mga itong nagsitakas lulan ng motorsiklo patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

 

vuukle comment

AGUSAN

BAYUGAN

BAYUGAN CITY

BRGY

CITY

NABATID

NATANGAY

TINUTUKAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with