^

Police Metro

2 bangkay nakita sa QC

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki ang nakita sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Inilarawan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, ang unang bangkay na may edad 18-20 anyos, nakasuot ng pulang t-shirt at camouflage na short, at may taas na 5’4. Habang ang isa naman ay nasa pagitan ng edad na 55-60, nakasuot ng asul na t-shirt at itim na short pants, at may taas na 5’4.

Ayon kay SPO2 Cris Zaldarriaga, imbestigador, ang unang biktima ay nakita sa Sto. Nino St., Brgy. Payatas B. ganap na alas-5:00 ng umaga.

Isang Dennis Deva­bora, purok leader sa lugar ang umano’y nakatanggap ng tawag hingil sa nasabing bangkay at agad naman nilang itinawag ito sa pulisya.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, ang biktima ay nagtamo ng sunog sa kanang bahagi ng kanyang tadyang na ikinamatay nito.

Hinala ng pulisya na posibleng magnanakaw ang biktima sa isang bahay sa lugar pero minalas na makuryente.

Samantala, ang isa namang bangkay ay nakita sa tabi ng  house number 76 Pawai St., corner Kapiligan St., Brgy., Doña Imelda, ganap na alas 5:30 ng umaga.

Ayon kay Rolando Legaspi, magpaparada sana siya ng minamanehong 6 wheeler truck  nang makita niya ang biktima na nakahandusay at napapaluputan ng packaging tape ang magkabilang kamay habang ang leeg naman nito ay napapaluputan ng wire.

Hinihinalang biktima ng summary execution ang ikalawang bangkay na posibleng pinatay sa ibang lugar at itinapon lamang sa Brgy. Doña Imelda.

 

AYON

BRGY

CRIS ZALDARRIAGA

IMELDA

ISANG DENNIS DEVA

KAPILIGAN ST.

NINO ST.

PAWAI ST.

PAYATAS B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with