^

Police Metro

CBCP nababahala sa media killings

Pang-masa

MANILA, Philippines - Labis na ikinalulungkot at ikinababahala ni CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs chairman Manila auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang patuloy na pagpatay sa mga media personnel o ang  lumala­lang “culture of impunity” sa Pilipinas.

Itinuturing ng Obispo na isang masamang record ang hindi masugpu-sugpong pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa nakalipas na da­lawang linggo, tatlong media personnel ang pinaslang ng mga hindi pa kilalang salarin.

Ayon kay Bishop Pabillo na ang lumalalang culture of impunity sa bansa ay indikasyon na hindi seryoso o walang ginagawa ang gobyerno para mahuli at maipakulong ang mga salarin.

Ayon kay Bishop Pabillo, ang isang bansa o lipunan ay hindi makakatayo kung walang katotohanan na siyang tanging layunin ng mga mamamahayag.

Kaugnay nito, hinamon ng Obispo ang pamahalaan na kumilos at seryosohin ang paghahanap at paghuli sa mga salarin.

Naninindigan si Bi­shop Pabillo na dapat pangalagaan at protektahan ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga mediaman na tanging nagsasabi ng katotohanan.

 

AYON

BISHOP BRODERICK PABILLO

BISHOP PABILLO

EPISCOPAL COMMISSION

ITINUTURING

KAUGNAY

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PUBLIC AFFAIRS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with