Philippine International Choral Competition nagsimula na
MANILA, Philippines - Inaanyayahan ng publiko na panoorin ang Philippine International Choral Competition, na tinaguriang Sing n Joy Manila 2013, na gaganapin sa Aliw Theater Complex sa Disyembre 11-14, sa pamamahala ng Manila BroadcasÂting Company, Interkultur Germany at ng Philippine Choral Directors Association.
May 45 chorale mula sa iba’t ibang lungsod sa Southeast Asia ang maglalaban sa kompetisyon na itinatag ng Manila Broadcasting Company, Interkultur Germany, at ng Philippine Choral Directors Association. Isang batikang hanay ng mga hurado mula Indonesia, Vietnam, Myanmar, Amerika at Pilipinas ang inanyayahan upang bigyan ng rating ang mga choir na lalahok sa children’s at youth categories, folklore, sacred music, gospel-spiritual at pop/show choir competition.
Tampok din sa Sing n Joy Manila 2013 ang mga workshops na pamumunuan ng mga kilaÂlang choral conductors na sina Kirby Shaw at Jonathan Velasco. Para sa karagdagang detalye, maaring kontakin ang 0932.287.5550, o mag-email sa [email protected]
- Latest