^

Police Metro

MNLF Zambo siege II, inismol ng AFP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bilang tugon sa napagkasunduang power-sha­ring agreement sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay nagbanta ang Moro National Libe­ration Front (MNLF) ng giyera na tulad ng kanilang ginawa sa Zamboanga City, suba­lit, minaliit lamang ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP)

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala, nais ng AFP na wakasan na ang lahat ng panloob na banta sa pambansang seguridad sa mapayapang pamamaraan tulad sa MILF upang makamtan na ang minimithing kapayapaan sa Minda­nao Region.

Nabatid na muling uminit ang pagbabanta ng MNLF matapos magkaroon ng positibong kaganapan  sa pagkakalagda sa power sharing ng pamahalaang Aquino at ng MILF.

Sinabi ni Zagala na sakaling magsagawa muli ng kaguluhan ang MNLF ay nakahanda ang AFP na supilin ito.

Inihayag ng AFP na hindi na nila nais maulit pa ang naganap sa Zamboanga siege noong Setyembre na tumagal ng 20 araw na kumitil ng mahigit 200 buhay.

Tiwala naman ang AFP na tatalima at igagalang ng MNLF ang nilagdaang final peace agreement ng pamahalaan sa kanilang grupo noong 1996.

AFP

AQUINO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBE

PUBLIC AFFAIRS OFFICE CHIEF LT

RAMON ZAGALA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with