Dalagita dinaliri ng nobyo, nagreklamo
MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 20-anyos na binata nang daliriin nito ang kanyang 15-anyos na nobya sa loob ng bahay nito sa Quezon City.
Ang suspek na kinasuhan ng paglabag sa child abuse ay nakilalang si Carlito Flana, 3rd year high school, matapos na ireklamo ng tatay ng kanyang nobya.
Ang binata, isang 3rd year high school student at residente sa Barangay Payatas B, ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti Child Abuse Law.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ang dalagita ay nakatira sa Brgy. Bahay Toro at may walong buwan nang nobya ng suspek.
Nabatid na noong Sabado ng ala-1:00 ng hapon ay dinala ng suspek ang biktima, na isa ring 3rd year high school sa bahay nito sa Asper St., Barangay Payatas B ng lungsod.
Habang nagpapahinga ay dinaliri ng suspek ang nobya na umaray sa ginawa nito at nagmaÂkaawa, subalit nagpatuloy ang una hanggang sa makaraos.
Pag-uwi ng bahay ay nalaman ng tatay na kasama nito ang nobyo kung kaya’t inusisa kung may nangyari na sa una ay tumanggi itong magsalita hanggang nagtapat ito sa ama.
Agad na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang ama at ipinaaresto ang suspek na nahaharap sa kasong rape.
- Latest