^

Police Metro

Mag-live-in sabay tumalon mula sa rooftop ng gusali

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sabay tumalon sa rooftop ng isang gusali ang isang mag-live in na ikinasawi ng lalaki na naganap kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Gene­ral Hospital ang biktimang si Jomar Enriquez, ng Riverside Squatters Area, Vitas, Tondo, Maynila. Habang nasa kritikal sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang live-in partner nito na si Rubilyn Teracion, 25.

Sa ulat, bago naganap ang pagtalo ng dalawa sa rooftop ng 4-storey Katuparan Building dakong alas-8:30 ng gabi ay nagkaroon muna ang mga ito ng mainitang pagtatalo dahil sa pambababae ni Enriquez.

Malaki ang hinala ng pulisya na hindi magkasundo ang dalawa sa pinag-aawayan at naghamunan na wakasan na lamang ang kanilang problema sa pagpapakamatay. Inaalam ng pulisya kung may naganap na foul play.

vuukle comment

ENRIQUEZ

HABANG

JOMAR ENRIQUEZ

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KATUPARAN BUILDING

MAYNILA

RIVERSIDE SQUATTERS AREA

RUBILYN TERACION

TONDO GENE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with