Mga pulis na mag-’selfie’ kakasuhan ng administratibo
MANILA, Philippines - Sasampahan ng kasong administratibo ang mga pulis na mahuhuling magpu-post ng ‘selfie photo’ sa facebook at iba pang social networking site sa Visayas Region na grabeng sinalanta ng bagyong Yolanda.
Ito ang naging babala kahapon ni Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) Chief P/Sr. Supt Reuben Theodore Sindac dahil sa hindi umano nakakatulong sa halip ay nakakabigat lamang sa pighati ng mga biktima ng supertyphoon ang mga ganitong uri ng larawan.
Nabatid na hindi naibigan ng liderato ng PNP ang tila’y hindi maawat na pagkalat sa mga social networÂking site tulad ng facebook ng mga pulis na umano’y tila ipinagmamalaki pa ang pag-posing sa mga lugar na naapektuhan ng matinding kalamidad.
Ayon kay Sindac, ang layunin ng nasa 1,500 pulis na idineploy sa Visayas Region partikular na sa Eastern Visayas ay para tumulong sa search, relief at rehabilitation mission at pagpapanatili ng peace and order at hindi mag-selfie photo sa mga sitwasyon ng krisis lalo na at ang trabaho ng mga ito ay serbisyo publiko.
- Latest