^

Police Metro

Phivolcs naglagay ng 2 tsunami warning system sa Sarangani Bay

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang tsunami early warning system ang inilagay ng Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Sarangani Bay para subay­bayan ang water level ng mga  baybayin dito.

Ang unang tsunami early warning system ay nasa pantalan ng Glan sa bukana ng Sarangani bay  na nakaharap sa Pacific Ocean at Celebes Sea.

Ang ikalawa naman na tsunami early war­ning system ay inilagay sa baybayin ng barangay Ladol, bayan ng Alabel na unang napaulat na nagkaroon dito ng extreme low tide na nakalikha ng takot sa mga residente doon sa pa­ngambang may para­ting na tsunami.

Magiging operatio­nal ang  naturang mga pasilidad sa katapusan ng Disyembre.

Samantala, nakapagtala ang  Phivolcs ng magnitude 4.4 na lindol  bandang alas-2:06 ng madaling-araw  kahapon sa may  Celebes Sea na nasa 337 kilometro ng  timog silangan ng South Ubian, Tawi-tawi na hindi naramdaman ng mga tao doon dahil sa dagat naganap ang pagyanig.

 

ALABEL

CELEBES SEA

PACIFIC OCEAN

PHILIPPINE INS

PHIVOLCS

SARANGANI BAY

SOUTH UBIAN

VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with