^

Police Metro

Ex-Batangas governor laya na sa Munti

Doris Franche-Borja, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kabilang si dating Batangas Governor Jose Antonio Leviste sa 34 na preso na pinalaya ng New Bilibid Prison (NBP) makaraang maaprubahan ng Department of Justice ang kanilang parole dahil sa iba’t ibang merito na kanilang isinagawa habang nakakulong.

Ayon kay Bureau of Correction (BuCor) Director Franklin Bucayu na inaprubahan ang parole ni Leviste ng Board of Pardon and Parole ay dahil sa napagsilbihan na nito ang kanyang “minimum” na sentensya habang nagpakita rin ito ng magandang asal habang nakakulong sa “maximum security compound” ng NBP.

Magugunita na si Leviste ay nahatulan ng Makati City Regional Trial Court na mabilanggo ng anim hanggang 12 taon matapos na mapatunayang nagkasala sa kasong homicide noong Enero 2009.

Taong 2007 nang pagbabarilin ni Leviste ang kanyang tauhan na si Rafael Delas Alas sa loob ng kanyang opisina sa LPL Tower Building sa Makati City.

Naging kontrobersiyal si Leviste habang ito ay nakakulong matapos mabuking na labas-masok sa loob ng kulungan na unang nadiskubre noong Mayo 2011  at pinakahuling  nitong nakaraang Hulyo 25 lamang na kung saan ay limang opisyal ng BuCor ang sinampahan ng kasong administratibo at nasuspinde ng 90 araw dahil sa kontrobersya.

Hindi naman tumutol ang pamilya ni Delas Alas sa pagpapalaya kay Leviste dahil sa napatawad na umano nila ito.

Si Leviste at ang nabigyan ng parole ay isasailalim sa obserbasyon at may limitasyon ang kanilang galaw sa labas ng piitan tulad ng pagbabawal na pumasok sila sa mga bahay-aliwan at mga lugar-sugalan tulad ng mga casino.

Kailangan rin nitong iharap ang sarili 15 araw matapos ang paglaya at mag-ulat sa parole officer sa lugar na kanyang titirahan kada buwan. 

Bawal itong lumabas sa bansa ng walang pagsang-ayon ng BuCor, bawal magmay-ari ng baril, at masangkot sa mga kasong kriminal.

 

BATANGAS GOVERNOR JOSE ANTONIO LEVISTE

BOARD OF PARDON AND PAROLE

BUREAU OF CORRECTION

DELAS ALAS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR FRANKLIN BUCAYU

LEVISTE

MAKATI CITY

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with