^

Police Metro

Pag-recall sa Manila Bay reclamation ikinatuwa

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Agad na umaksyon ang  Pasay City Council at ini-recall ang 54.5 billion peso Manila Bay reclamation project na una nang ini-award sa SM Land.

Labis namang ikinatuwa ito ng S&P Construction Technology and Development Company at nagpasalamat sa City Council at kay Mayor Antonino Calixto dahil sa remedial actions upang itama ang mga iregularidad sa  selection/bidding process.

Para sa S & P, ang Resolution No. 3059 na nag-recall sa lahat ng resolusyong may kaugnayan sa raw reclamation and horizontal development ng  300 hectares off-shore and in-shore parts sa Manila Bay, ay katunayan na nais ng lokal na pamahalaan ng competitive, transparent at open bidding sa bawat kontrata o proyekto.

Ang resolusyon ng city council ay mahala­gang hakbang upang itama ang lahat ng kamaliang ginawa sa proseso.

Umaasa naman ang kumpanya na ikukunsidera ni Mayor Calixto at ng PPP Selection Committee ang pagbalangkas ng bagong proseso sa bidding upang bigyang daan ang iba pang  bidder at stakeholders na makasama sa negosasyon.

CITY COUNCIL

MANILA BAY

MAYOR ANTONINO CALIXTO

MAYOR CALIXTO

P CONSTRUCTION TECHNOLOGY AND DEVELOPMENT COMPANY

PASAY CITY COUNCIL

RESOLUTION NO

SELECTION COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with