^

Police Metro

Pasahero tigok sa pagtalon sa jeep

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkamali ng akala ang isang 28-anyos na pasahero na siya ay maliligtas sa pagtalon sa jeep na nawalan ng preno matapos na una ang ulo nito na tumama sa kalsada sa kanyang pagbagsak kahapon ng madaling-araw sa Antipolo City, Rizal.

Idineklarang dead-on- arrival sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center
ang biktimang si Manuel Cruz Jr., 28, empleyado ng Ibex Global ng Ponciano Compound, Tikling Ortigas Extension, Brgy. Dolores, Taytay,  Rizal dahil sa tinamong sugat sa ulo at katawan.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang mawalan ng preno ang sinasakyang jeep (TXK-732) ng biktima na minamaneho ni Pascual Lugo,  42, ng Carbon St., Minahan Interior,
Malanday, Marikina City sa Marcos Highway, Brgy.Mayamot ng lungsod.

Natakot ang biktima na pasahero dahil iniisip na mahuhulog sa bangin ang jeep kaya’t tumalon ito, subalit nabagok ang ulo sa sementedong kalsada.

Nagawa naman mairampa sa gilid ng kalsada ang jeep kaya nakaligtas ang ibang pasahero sa tiyak na kapahamakan.

 

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

ANTIPOLO CITY

BRGY

CARBON ST.

IBEX GLOBAL

MANUEL CRUZ JR.

MARCOS HIGHWAY

MARIKINA CITY

MINAHAN INTERIOR

PASCUAL LUGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with