^

Police Metro

DND rumesbak sa black propaganda

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos matuklasan na mababang uri at substandard ang produkto kaugnay sa bidding upang mag-supply ng 44,080 pirasong armor vests ay nanindigan ang Department of National Defense sa pinal na desisyong i-disqualify ang kompanyang Koreano na Kolon Global Corporation.

Ayon kay DND-Bids and Awards Committee chairman  ASec Efren Q. Fernandez, ang pasiya ng BAC ay ibinatay sa istriktong pagtupad sa 9184 (Phil. Govt. Electronic Procurement Services Act) at nakabase sa natuklasan ng lupong Assessment/Post-Qualification sa ilalim ni  General Essel Soriano (Ret.), ang pinakamataas na technical working group na kumatawan sa Philippine Army at Marines.

Inihayag ito ng DND para maiwasto ang ma­ling ulat na ipinakakalat ng Kolon na nag-alok ng armor vest na ang metal plate nang sukatin ay hindi tumugon sa teknikal na nakasaad sa bid document kaya idineklarang substandard at mahinang klase.

Nagsimula noong 2012 ang bidding  sa suplay ng 44,080 pirasong  armored vests para sa Army at Marines na nagkakahalagang P1.76 bilyon at binuksan ang mga bid nitong Abril na apat na kompanya ang nag-qualify bilang pinakamababang bidders sa pa­ngunguna ng Kolon ng Korea; Merkata ng Serbia; JV Achidatex Nazareth Elite ng Israel at MKU Private Ltd. ng India.

Nilinaw ni Fernandez na hindi komo’t may pinakamababang bid ay otomatikong ibibigay sa Kolon ang proyekto dahil may post-qualification, assessment at analysis na pinakamahalagang yugto ng bidding process kung saan bumagsak ang produkto ng nasabing kompanya.

“Bilang retiradong heneral ng pulisya at militar, mapalad ako na nakaligtas sa mga sagupaan noong aktibo pa ako sa serbisyo. Sa mga panahong iyon, nakita ko ang mara­ming mukha ng kamatayan kabilang ang aking­ mga tauhan na namatay sa labanan at gumawa ng pinakamalaking sakripisyo dahil hindi napagkalooban ng wastong proteksiyon sa kanilang katawan,” ani Fernandez.

“Ang trabaho ng DND-BAC ay napakalinaw mula sa unang araw at nakalinya sa utos ni Defense Secretary Voltaire Gazmin.Hindi namin kailanman maaatim na ikompromiso ang kaligtasan at buhay ng mga kawal na sumusuong sa armadong hidwaan at digmaan,” dagdag ni Fernandez.

 

vuukle comment

ACHIDATEX NAZARETH ELITE

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

EFREN Q

ELECTRONIC PROCUREMENT SERVICES ACT

FERNANDEZ

GENERAL ESSEL SORIANO

KOLON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with