^

Police Metro

Fejodap nagtigil-pasada sa Maynila

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtigil-pasada ang mga miyembro ng Federation of Jeepney Operators and Dri­vers Association of the Philippines (FEJODAP) sa Maynila bilang pagtuligsa sa mga pango­ngotong umano ng mga tauhan ng Manila
Traffic Bureau sa mga traffic violations na kapag kinukumpiska ang lisensiya ay matagal na pro­seso bago nila ito makuha.

Ayon kay FEJODAP president Zeny Maranan, ang umano’y pangingikil sa kanila ng salapi ng mga traffic enforcers at  ang mismong mga pulis ang nagpa­pwesto sa kanila sa mga illegal terminal, subalit parang patibong umano ito para sila makotongan.

Kabilang sa mga naapektuhan ng strike ay ang mga biyahe mula sa Ma­labon, Navotas, Caloocan at Baclaran, gayundin ang mga jeepney na dumaraan sa Blumetritt, Leon Guinto, Agoncillo, at Pandacan.

Dismayado rin si Maranan kay Vice Mayor Isko Moreno, nagsisilbing traffic czar ng Maynila dahil sa pagkabigo nitong aksyunan agad ang kanilang mga hinaing.

 

AGONCILLO

ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

AYON

LEON GUINTO

MAYNILA

TRAFFIC BUREAU

ZENY MARANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with