^

Police Metro

Misis nag-picture muna, bago naglason

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpakuha muna ng litrato ang isang ginang sa isang inuman sa kanilang sala at pagkatapos ay  pumasok na ito ng silid at  uminom ng silver cleaner ng naganap kamakalawa sa Pasay City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Pasay City General Hospital ay nakilalang si  Shiela Alipungan, 42, residente ng 562 M. Dela Cruz St., ng lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang madiskubre ang biktima ng kapatid na si Jennilyn Alvarez, 33 sa loob ng kuwarto nito na nakahandusay at bumubula ang bibig.

Nabatid na bago ang insidente ay  nagkaroon ng inuman sa bahay ng biktima kasama ang mga kabarkada at kapatid na si Jennilyn dakong alas-9:00 ng gabi. 

Umupo pa umano sa umpukan ang biktima at kasamang nagpakuha ng larawan bago pumasok na ng kuwarto.

Nang matapos ang inuman, pumasok na ng kanilang kuwarto si Jennilyn at nadiskubre ang pagpapatiwakal ng kanyang ate.

Isang bote na pinaglagyan ng silver cleaner solution ang natagpuan malapit sa tabi nito na kanyang ininom.

Ayon kay Jennilyn, matagal na nagpla-planong magpatiwakal ang kapatid mula nang iwanan ng asawang si Gelo Alipungan na naninirahan na sa Roxas City, may tatlong taon na ang nakararaan.  Hindi lamang ito natutuloy dahil sa pinapayuhan nila ito.

vuukle comment

AYON

DELA CRUZ ST.

GELO ALIPUNGAN

ISANG

JENNILYN

JENNILYN ALVAREZ

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

ROXAS CITY

SHIELA ALIPUNGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with