Biazon, magpapaliwanag kay PNoy
MANILA, Philippines - Nakatakdang magpaliwanag si Customs Commissioner Ruffy Biazon kay Pangulong Benigno Aquino III matapos makasama ito sa 2nd batch ng mga mambabatas na kinasuhan kaugnay sa pork barrel scam.
Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., ipapatawag ni Pangulong Aquino si Comm. Biazon upang ipaliwanag ang panig nito matapos makasama sa 2nd batch ng mga kinasuhan ng Department of Justice (DOJ).
Sinabi ni Sec. Coloma, wala pang pinal na araw kung kailan mag-uusap sina PNoy at Biazon pero nagpaabot na ng kahandaan ang BOC chief na magpaliwanag sa Pangulo.
“Welcome naman po ‘yung pahayag ni Commissioner Biazon hinggil sa kanyang kahandaan sa pagharap sa mga impormasyon na inihain laban sa kanya. ‘Yun pong hinggil sa pagliliban o pag-take ng leave, sinagot na po natin kahapon na wala naman pong legal na compulsion. There’s no legal compulsion for him to go on leave, ayon sa batas, at nasa pagpapasya na po niya ‘yon,†paliwanag pa ni Sec. Coloma.
Sinabi naman ni Comm. Biazon na agad siyang humingi ng advice kay Pangulong Aquino upang ipaliwanag ang kanyang panig hinggil sa isyu matapos siyang makasama sa 2nd batch ng mga mambabatas na kinasuhan sa pork barrel scam.
- Latest