Misis inatado ng lover na adik
MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ng isang lalaki ang kanyang 21-anyos na lover sa hindi pa malamang dahilan kahapon sa Brgy. Pasonanca, Zamboanga City.
Namatay noon din dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Jordalyn Zipra residente ng nasabing lugar.
Tumakas ang suspek na si Elvin Paulino, 27, tubong Tungawan, Zamboanga Sibugay at kilalang drug addict sa kanilang lugar.
Sa salaysay ng mga kapitbahay na dakong alas-2:30 ng madaling araw ay narinig nila ang kalabugan sa loob ng bahay ng maglive-in partner habang sumisigaw ng tulong ang biktima.
Narekober sa lugar nang pinangyarihan ang kutsilyo na may habang 5 pulgada na ginamit sa krimen.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kung ano ang motibo nang pagpaslang sa biktima.
- Latest
- Trending