^

Police Metro

Oil firms nagtaas ng presyo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dahil umano sa panibagong galaw ng presyo ng langis sa internasyunal na merkado kung kaya’t muli na namang nagpatupad ng pagtataas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa buong bansa.

Magkakaparehong halaga ang itinaas ng mga kumpanya ng langis tulad ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, PTT, at Total Philippines na epektibo dakong alas-6:00 kahapon ng umaga kabilang ang P.70 sentimos kada litro na itinaas sa diesel at P.45 sentimos kada litro sa presyo ng premium, regular at unleaded gasoline.

Hindi naman ginalaw ang presyo ng kerosene dahil sa umiiral pang “price freeze” dulot ng deklarasyon ng “national state of calamity” ng pamahalaan dahil sa bagyong Yolanda. 

Wala pa namang anunsyo ng pagtataas ng halaga ng kanilang produkto ang Chevron Philippines at iba pang maliliit na kompanya.

CHEVRON PHILIPPINES

DAHIL

MAGKAKAPAREHONG

PETRON CORPORATION

PILIPINAS SHELL

PRESYO

TOTAL PHILIPPINES

WALA

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with