^

Police Metro

Palasyo, kaisa sa pagdiriwang ng mga Pinoy sa panalo ni Pacquiao

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Palasyo ng Malakanyang na kaisa ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng pagkapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Brandon Rios.

 Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, malaking tulong para sa  mga mamamayan, lalo na sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda ang pagkapanalo ng People’s Champ.

“Ipinakita niya ang tapang, husay at pagpupunyagi na nagbunsod sa kanya na maging inspirasyon at huwaran sa lahat ng Pilipino saan man sa mundo.  Sa gitna ng matinding laban, lubos na nasusukat at nakikilala ang tatag ng pagkatao ng lahing Pilipino”, ani Sec. Coloma.

Inihayag pa ni Coloma na maituturing na isang morale booster ang panalong ito ni Pacquiao na anya’y tiyak na magpapasigla, magpapalakas sa kalooban at magpapataba sa puso ng bawat Pilipino.

Sinabi pa ni Sec. Coloma, nakatakda ng ayusin ang detalye ng pagsalubong kay Pacquiao kasama na ang courtesy call sa Pangulong Benigno Aquino III sa Malakanyang.

Bago pa man ang laban ay ipinangako ni Pacman na dadalhin niya ang pag-asa ng mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ kaya ini-alay nito sa kanila ang kanyang laban.

Tiniyak ni Pacman na personal niyang ihahatid ang kanyang tulong sa mga biktima ng bagyo sa oras na siya ay makabalik sa bansa.

 

BRANDON RIOS

COLOMA

INIHAYAG

MALAKANYANG

PACMAN

PACQUIAO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PILIPINO

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS SECRETARY SONNY COLOMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with