^

Police Metro

Doktor nalunod sa dagat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang isinasagawang photo shoot ng isang doktor nang ito ay malunod matapos ang sinasakyang bangka ay lumubog nang balyahin ng alon sa karagatan  ng Dapitan City, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Ang nasawi ay nakilalang si Dr. Bob Aquino, ng Pampanga, inatake sa puso matapos malunod base sa resulta ng post mortem examination.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga nang mangyari ang sakuna sa karagatan sa bahagi ng Aliguay­ Island ng lungsod habang ang grupo ni Aquino ay nagsasagawa ng ‘photo shoot’ sa magandang tanawin sa lugar.

Pabalik na ang mga ito sa Dapitan City lulan ng bangkang de motor na nakarehistro kay Apple Marie Agulong nang mangyari ang insidente.

Nabatid na binalya ng malakas na hangin at alon ang nasabing bangka bunsod upang lumubog ito na ikinalunod ni Aquino.

 

vuukle comment

ALIGUAY

APPLE MARIE AGULONG

AQUINO

BATAY

DAPITAN CITY

DR. BOB AQUINO

NABATID

NAUWI

NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with