^

Police Metro

103 preso sa Tacloban City Jail tinutugis

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinutugis ng mga otoridad ang 103 preso ng Tacloban City Jail na tumakas matapos na wasakin ng malaking alon o storm surge ang gate ng piitan na rumagasa sa lungsod sa kasagsagan ng pananalasa ng super bagyong Yolanda noong Nobyembre 8.

Napag-alaman napilitan ang jail warden na buksan ang pintuan dahilan mamatay ang 676 na  preso nang mapuno ng tubig na lagpas tao ang nasabing kulungan.

Gayunman sa halip na lumangoy patungo sa ikalawang palapag ng opisina ng warden ay tuluyan ng nagsitakas ang may 103 preso.

Ayon sa ulat ang iba sa mga preso ay nagsisuko habang nasakote naman ang karamihan sa mga ito matapos na kumpunihin ang mga nasira nilang bahay  dahil sa bagyong Yolanda.

vuukle comment

AYON

BAGYONG

GAYUNMAN

NAPAG

NOBYEMBRE

PRESO

TACLOBAN CITY JAIL

TINUTUGIS

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with