^

Police Metro

Provincial treasurer kinidnap ng Sayyaf

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumanat muli ang mga pinaghihinalaang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) makaraang dukutin ang isang provincial treasurer  sa Brgy. Bangkala, Patikul, Sulu nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Col. Jose Johriel Cenabre, 2nd Marine Brigade at Task Force Sulu Commander ang binihag na biktima na si Jesus Cabilin, 54 anyos, Provincial treasurer ng lalawigan.

Bandang alas-6:45 ng gabi ng bigla na lamang sumulpot sa bisinidad ng quarter na tinutuluyan  ng biktima sa capitol site, Brgy. Bangkala, Patikul ang mga armadong bandido at sunggaban ang opisyal.

Agad namang natukoy na kabilang sa dumukot sa bihag ay  ang grupo nina Ninok Sappari at Julli Ikit; pawang mga sub-commander ng mga bandido na nago-operate  sa lalawigan.

Walang nagawa ang biktima matapos na tutukan ng baril at puwersahang kaladkarin ng mga kidnapper pasakay sa isang kulay dilaw na Tamaraw jeepney na tumahak patungo sa direksyon ng Brgy. Danag sa nasabi ring bayan.

ABU SAYYAF GROUP

BANGKALA

BRGY

JESUS CABILIN

JOSE JOHRIEL CENABRE

JULLI IKIT

MARINE BRIGADE

NINOK SAPPARI

PATIKUL

TASK FORCE SULU COMMANDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with