Liblib na lugar sa Leyte napasok na ng tulong
MANILA, Philippines - Napasok na ng tulong ang mga residente na nakatira sa mga liblib na lugar sa Leyte.
Ito ang iniulat kahapon ni Interior and Local GoÂvernment Secretary Mar Roxas na nagsabing may 40 munisipalidad sa Leyte na hindi naaabot dati ng tulong ngayon ay nabigyan na.
Sinabi pa ni Roxas, ang bayan din ng Hilongos at Palompon na dating hindi nabibigyan ng relief goods, ay nakapag-establish na ng contact sa government’s logistics hub sa Ormoc City nitong Sabado at sinimulan na ang pagdadala ng food packs at iba pang relief items pabalik sa kanilang constituents na nakaligtas sa bangis ni Super typhoon ‘Yolanda’.
“Ngayon ay masasabi na natin na nabigyan na ng relief goods ang lahat ng bayan sa Leyte,†sabi pa ni Roxas.
Samantala, doble kayod ngayon ang ginagawang pagtatrabaho ng mga tauhan at opisyal ng DSWD at mga volunteers upang matiyak na hindi matitigil ang tulong na kanilang maipagkakaloob sa mga residenteng sinalanta ni ‘Yolanda’.
Ayon pa kay Roxas, hindi dapat na mag-alala ang mga mamamayan sa Western Visayas dahil nagtutulungan umano ang pamahalaan at private sector para siguraduhin na madadalan sila ng pagkain.
- Latest