^

Police Metro

Death toll sa ‘Yolanda’ binabawasan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabuko ng mga re­porter na nagkokober sa Region VIII o Eastern Visayas (Samar, Leyte) na binabawasan ang bilang ng mga namatay sa bagyong Yolanda.

Ayon sa mga reporter na nakita nila sa tally  ng bulletin board na 5,016 ang nasawi sa trahedya base sa narekober na mga bangkay, subalit biglang pinalitan ito sa bilang na  3,422.

Magugunita na bago ang pagdating ng bagyong Yolanda sa bansa ay unang nang inianunsyo ni Pangulong Benigno Aquino III na target ng gobyerno ay ‘zero casualty’, pero nabigo ito matapos na libu-libo ang nasawi sa Visayas Region partikular na sa Tacloban City, Leyte.

Sinibak na rin sa puwesto ni PNP Director General Alan Purisima si Police Regional Office (PRO) 8 Chief Supt. Elmer Soria nang ihayag nito na posibleng umabot sa 10,000 ang nasawi dahilan sa tindi ng pinsala na kung saan sinabi naman ni Aquino na aabot lamang ito sa 2,500.

Inulan rin ng kaliwa’t kanang batikos si P-Noy mula sa international community at ng mga dayuhang mamamaha­yag sa pangunguna ni CNN veteran newscaster Anderson Cooper na nagbulgar sa mabagal na pagtugon sa relief operations ng pamahalaan sa mga survivor ni Yolanda.

Ang nasabing bilang na 5,016 na itinala ng command center ng Office of Civil Defense (OCD) Region 8 ay opisyal na tala na siya sanang  dapat na ipinararating sa punong tanggapan nito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Camp Aguinaldo.

Nang hingan umano ng paliwanag ay sinabi ng isa sa mga opisyal ng OCD Region VIII,  na kinastigo raw sila ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas dahilan sa pagtatala ng tunay na katotohanan sa death toll at pinapalitan ang bilang sa 3,422 gayong lumagpas na rito ang mga narerekober na bangkay.

Sa opisyal namang tala ng NDRRMC, sinabi ni Executive Director Eduardo del Rosario na umaabot na sa 3,621 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Yolanda.

vuukle comment

ANDERSON COOPER

CAMP AGUINALDO

CHIEF SUPT

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

EASTERN VISAYAS

ELMER SORIA

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with