5 todas, 33 sugatan sa EDSA loading bay mishap
MANILA, Philippines - Lima katao ang nasawi habang 33 ang nasugatan nang salpukin sila ng isang pampasaherong bus habang nag-aabang sa loading bay area sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) Magallanes, Makati City kahapon ng umaga.
Namatay noon din ang limang biktima na sina SPO1 Lawrence Navarro, 37, nakatalaga sa Aviation Security Group; Lamberto Singular, Jr.; Jessa Meneses, 25, ng Sucat, Parañaque; Osias Mata, Jr., ng Fort Bonifacio; at Fernando Sison, 63.
Batay sa ulat, dakong alas-6:40 ng umaga sa loading bay sa EDSA-Magallanes southbound lane ay nabundol ng isang Elena Liner bus (TXN 191) ang likuran ng isang MGP Trans bus (NXV 350) at inararo ang mga pasaherong naghihintay sa loading bay.
Iniulat din na 33 pang katao ang nasugatan sa naturang insidente kabilang ang tsuper ng Elena Liner bus na si Antonio Dalag.
Ayon sa mga saksi, mabilis umano ang takbo ng Elena Liner bus mula sa Ayala AveÂnue tunnel at diretsong nabangga ang MGP Trans bus na nagsasakay ng pasahero sa loading bay.
Hawak naman ng pulisya ang tsuper ng MGP Trans bus habang kinukumpirma pa ng mga imbestigador ang sinasabing nawalan ng preno ang Elena Liner bus kaya ito sumalpok sa likuran ng isa pang bus.
Lumikha naman ng matinding pagbubuhol sa daloy ng trapiko ang naturang aksidente.
- Latest