^

Police Metro

US hospital ship tutulong sa typhoon victims

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Minobilisa na kahapon ng US Navy ang hospital ship nitong UNNS Mercy ( T-AH 19)  upang tumulong sa mga biktima ng super bagyong  Yolanda (Haiyan) sa Visayas Region ng bansa.

Sa isang press statement ni US Admiral Harry Harris Jr., Commander ng U.S. Pacific Fleet  ang pagmomobilisa ng nasabing hospital ship upang maglayag na patungong Pilipinas ay bahagi ng kanilang pakikisimpatiya sa trahedya na iniwan ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo.

Nabatid na marami sa mga survivor ang nanga­ngailangan ng medikasyon matapos na masugatan sa paghagupit ng bagyo partikular na sa Leyte at Samar.

Dahil nakahanda na kapag inutos ang agarang deployment ng nasabing US Navy hospital ship ay inaasahang darating ito sa teritoryo ng Pilipinas sa Disyembre upang makasama ang iba pang U.S. Pacific Fleet units nito na tumutulong na sa Operation Damayan sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

ADMIRAL HARRY HARRIS JR.

DAHIL

DISYEMBRE

HAIYAN

LEYTE

OPERATION DAMAYAN

PACIFIC FLEET

PILIPINAS

VISAYAS REGION

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with