Vendor itinumba ng tandem
MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 59 anyos na vendor ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem na kapwa nakasuot ng bonnet na naganap Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Reynaldo Bardinas, may-asawa.
Ayon kay SPO1 Joselito Gagaza, imbestigador, ang dalawang suspek na kapwa armado ng baril ay mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo na walang plaka.
Nangyari ang insidente sa may loob ng bahay ng biktima ganap na alas-6:45 ng gabi.
Ayon sa asawa ng biktima na si Lorna Bardinas, nagkukuwentuhan sila ng kanyang mister nang biglang may sumipa sa pintuan ng kanilang bahay.
Pagkabukas ng pinto ay bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspek ang biktima sa katawan, saka mabilis ding tumakas sakay ng kanilang motorsiklo na hindi nakuha ang plaka.
Hinihinala ng pulisya ng kilala ng biktima ang dalawang suspek kaya nagsuot ang mga ito ng bonnet upang hindi sila makilala.
- Latest


















