^

Police Metro

Patay kay ‘Yolanda’ aakyat sa 10,000

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinangangamba­han ng mga awtoridad na umakyat sa 10,000 katao ang patay at mga nawawala sa ‘monster typhoon’ na si ‘Yolanda.

Sinasabing sa Tacloban, Leyte pa lamang ay may 200,000 ang  populasyon at nagkalat ngayon sa kalsada ang tinatayang nasa 300-400 bangkay, hindi pa kasama ang mga lumutang sa karagatan.

Bunsod nito, nagpadala na ng team ang United Nations sa Pilipinas upang magbigay ng ayuda at emergency supplies kasunod na rin ng unang ulat ng Philippine Red Cross na may provisional 1,200 death toll ang pina­ngangambahang nasawi sa bagyo.

Sa kasalukuyan, hindi pa ma-account ng pamahalaan ang eksaktong bilang ng mga nasawi at nawawala dahil na rin sa dami ng umano’y nawawala sa mga lalawigan na na-wash out matapos  na lubhang tamaan ng bagyo na may lakas ng hangin na 235km kada oras na ikinukumpara sa category 4 hurricane sa Estados Unidos.

Sa pagtaya ng gobyerno, may 4.3 milyong katao ang naapektuhan ng bagyong Yolanda sa may 36 probinsya  sanhi ng pagkawala ng elektrisidad, komunikasyon at pagkasira ng mga gusali, kabahayan at pagsasara ng mga daanan dahil sa bagyo.

Nagpahayag ng pakikiramay si UN Secretary General Ban Ki-moon sa mga biktima ng bagyo at agad na inatasan ang UN Humantarian agencies na tumulong sa Pilipinas.

Bukod sa mga miyembro ng UN Disaster and Assessment Coordination team na dumating sa Tacloban noong Sabado, ipadadala na ng UNICEF ang tone-toneladang gamot, medical at shelter equipment mula sa Copenhagen na inaasahang darating sa bansa bukas, Martes kasama pa ang water purification at storage equipment mula naman sa Europe. Tinataya nila na may 1.7 milyong bata ang naapektuhan sa mga lalawigan lubhang tinamaan ng bagyo.

Ayon naman sa Embahada ng Pilipinas sa Washington, iniutos na ni US Defense Secretary Chuck Hagel sa US Pacific Command na tumulong sa isinasagawang humanitarian relief and rescue operations sa mga biktima ng bagyo sa Visayas.

Nagpahiram din ang US ng air at naval assets sa Pilipinas para sa relief at rescue operations kabilang na ‘air lift operations” sa mga narerekober na biktima o sa pagbibigay ng goods sa mga apektadong lugar.

Tumutulong na ang mga US soldiers sa Armed Forces of the Philippines sa “damage assessment sa eastern Visayas.

Inianunsyo naman ng New Zealand Foreign Ministry kahapon na magbibigay sila ng inisyal na $125,000 kontribusyon sa International Federation of Red Cross bilang agarang suporta sa mga biktima ng bagyo sa Pilipinas.

Sinabi naman ng Uni­ted Kingdom na nagpadala na sila ng humanitarian experts at pinakilos na rin ang kanilang Rapid Response Facility (RRF) na kayang magbigay ng ayuda o suplay sa may 500,000 katao na naapetukan ng bagyong Yolanda.

Ayon sa UK Department for International Development, target nila na maabot at mabigyan ng tulong at proteksyon ang mga nawalan ng tahanan sa mga remote areas na mahirap na abutin sa Visayas.

 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BAGYO

DEFENSE SECRETARY CHUCK HAGEL

DISASTER AND ASSESSMENT COORDINATION

PILIPINAS

VISAYAS

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with