Ex-con sinundo sa bahay, pinatay
MANILA, Philippines - Binaunan ng bala sa ulo ang isang 43-anyos na lalaki na miyembro ng Commando Gang ng tatlong lalaki na sumundo sa kanyang bahay sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.
Ang biktima ay nakilalang si Henry Nacion, binata, residente ng Pier 2, North Harbor, Tondo.
Sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ay nagkakape ang biktima sa kanyang bahay sa Slip Zero, Apex, Pier 2, North Harbor, Tondo nang dumating ang tatlong lalaki at kinausap ito na sumama sa kanila.
Ilang sandali paglabas ng bahay ay pinagbabaril ang biktima ng mga suspek hanggang sa ito ay mapatay. Ang biktima ay dati na umanong nakulong sa kasong robbery.
- Latest