2 Lalaki pinatay ng Pulis
MANILA, Philippines - Magkasunod na binaÂril at napatay ng isang miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang isang security guard at isang taxi driver sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Danilo Landasan, 50, security guard ng AFM Watchman Protective Agency at Angelito BerÂnabe, 48, taxi driver, ng #78 Katuparan St., Barangay Batasan Hills lungsod ng Quezon.
Agad namang naÂaresto ang suspek na si PO1 Joseph Kimayong, 29, miyembrÂo ng SAF sa Sta.Rosa, Laguna.
Batay sa ulat, ang unang insidente ng pamamaril ay naganap dakong ala-1:45 ng madaling-araw sa binabantayang gusali ni Landasan na City Venture Bldg. na matatagpuan sa #16 East Avenue Magalang St., Brgy. Pinyahan.
Sa salaysay ng saksing si Alger Panoga, nagising siya sa pagkakatulog sa ingay nina Landasan at PO1 Kimayong sa main gate ng gusali at ilang sandali ay narinig niya ang isang putok ng baril hanggang sa lumabas si PO1 Kimayong.
Nakita niya na sumakay si PO1 KimaÂyong ng pampasaherong bus, subalit hindi pa nakakalayo ay bumaba ito ay pinara ang taxi (UVB-852) na minamaneho ni Bernabe.
Pagsapit sa East Avenue kanto ng BIR road ay nagkaroon ng pagtatalo ang daÂlawa hanggang sa barilin ni PO1 Kimayong si Bernabe.
Tiyempo namang may nagpapatrulyang mobile patrol sa lugar at naabutan pa ang suspek na nadadaganan ng biktimang driver kaya’t ito ay inaresto.
- Latest