^

Police Metro

2 kawani ng telcom dinukot sa Sulu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinukot ng sampung armadong kalalakihan na umano ay mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang dalawang la­laki na kawani ng Globe telecoms kamakalawa sa Brgy. Latih, Patikul, Sulu.

Ang mga dinukot ay nakilalang sina Nasri Abubakar, 40, technician ng Globe na nakabase sa Zamboanga sa ilalim ng Quiter Company at  Dennis Aloba, 30, installer.

Sa ulat ni 2nd Marine Brigade Commander at Task Force Sulu Commander Col. Jose Johriel Cenabre na bandang alas-3:55 ng hapon nang maganap ang pagdukot sa dalawang biktima sa bisinidad ng Sitio Santol, Brgy. Latih, Patikul ng lalawigan.

Ang insidente ay inireport sa isang detachment ng Philippine Marine ni Aquino Hadjula, kasamahang empleyado ng mga bihag  matapos itong  makatakas lulan ng motorsiklo.

Nabatid na ang mga  biktima ay lulan ng motorsiklo patungo sa bayan ng Patikul nang harangin sa highway ng nabanggit na lugar ng sampung mga armadong bandido.

Walang nagawa ang dalawang bihag matapos ang mga itong tutukan ng baril at kaladkarin patungo sa direksyon ng pinagkukutaan ng mga ito sa kagubatan.

Masuwerte namang nakaligtas si Hadjula bagaman pinaputukan ito ng mga kidnapper matapos nitong paharurutin ang minamanehong motorsiklo.

ABU SAYYAF GROUP

AQUINO HADJULA

BRGY

DENNIS ALOBA

JOSE JOHRIEL CENABRE

LATIH

MARINE BRIGADE COMMANDER

NASRI ABUBAKAR

PATIKUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with