Lucky charms may lason - Ecowaste
MANILA, Philippines - Mayroon umanong lason ang ilang “lucky charms†na ibinibenta sa labas ng Manila South Cemetery nitong araw ng Undas.
Nadiskubre ito ng Ecowaste Coalition matapos na bumili ang grupo ng 15 lucky charm figurines na gawa sa iskayola (plaster of paris) at pinintihan ng lead paint mula sa street vendors.
Ang walang lebed na figurines ay ginagawa sa Dasmariñas, Cavite ayon sa mga tindero na nagbebenta ng P10 hanggang P25 bawat isa depende sa laki nito.
Gamit ang isang portable X-Ray Fluorescence (XRF) spectrometer, ang grupo ay naka-detect ng arsenic, chromium at lead sa 13 mula sa 15 samples.
Ang lead na aabot mula 1,306 hanggang 10,100 parts per million (ppm) ay nakita sa 13 samples, lampas sa US limit na 90 ppm para sa lead ng pintura at pagpahid sa labas nito.
- Latest