Sinisi sa pagkalugi ng negosyo... Misis inatado ni mister
MANILA, Philippines - Inatado ng isang mister ang kanyang 39-anyos na misis na isang negosyante matapos ang mainitang pagtatalo nang sisihin na siya ang dahilan nang pagkalugi ng negosÂyong junkshop naganap kamakalawa sa Tondo, Maynila.
Namatay habang niÂlalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Rosemarie Balila, ng Bldg. 27, Unit 207, Temporary Housing, Road 10, Tondo, Maynila dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nagsagawa ng manhunt operation ang mga otoridad laban sa suspek na si Dante Balila,
na tumakas matapos ang insidente.
Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-5:00 ng hapon sa loob ng bahay ng mag-asawa ay nagkaroon muna ang mga ito nang mainitang pagtatalo.
Ang pagtatalo ng mag-asawa ay nang sisihin ng biktima ang mister na kaya sila nalugi sa kanilang junkshop ay dahil sa walang patumanggang paggasta nito.
Ikinairita ito ng suspek at nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa umano’y magdilim ang paningin at kumuha ng patalim saka sinaksak ang misis nang sunud-sunod na naging dahilan ng kamatayan nito.
- Latest