^

Police Metro

Shell nag-rolbak

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpatupad ng rolbak sa presyo ng kanilang produktong petroyo ang Pilipinas Shell.

Sa anunsyo ni Bobby Kanapi, tagapagsalita ng Shell, epektibo ang rolbak dakong alas-12:01 ng madaling araw ng Linggo. 

Sinabi ni Kanapi, bumaba ang presyo ng inaangkat nilang langis sa internasyunal na merkado kaya sila magpapatupad ng rolbak.

Nabatid na nasa P.40 sentimos kada litro sa premium at unleaded gasoline ang matatapyas, P.45 sentimos kada litro sa kerosene at P.50 sentimos kada litro sa diesel.

Sa Cebu at Bohol na nasa “state of calamity” dahil sa tumamang lindol, nasa P.10 sentimos kada litro ang tatapyasin nila kada litro sa kerosene, P.20 sentimos kada litro sa premium at unleaded gasoline at P.50 sentimos kada litro sa diesel.

Ang mas mababang rolbak umano ay dahil sa hindi nakasama ang dalawang lalawigan sa ginawa nilang dagdag-presyo noong nakaraang Martes sa gasolina at kerosene.

Wala pa namang anunsyo ang ibang kumpanya ng langis ngunit inaasahang susunod rin ang mga ito sa galaw ng Shell upang makasunod sa kumpetisyon.

 

BOBBY KANAPI

BOHOL

KADA

KANAPI

LINGGO

LITRO

NABATID

NAGPATUPAD

PILIPINAS SHELL

SA CEBU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with