^

Police Metro

Pasok sa Cebu at Bohol, Nob. 4 din -DepEd

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na maging sa Cebu at Bohol na sinalanta kamakailan ng magnitude 7.2 na lindol ay magbabalik na rin ang klase ng mga mag-aaral sa Nobyembre 4.

Kasalukuyan ngayong nakabakasyon ang ilang paaralan para sa semestral break at magbabalik-eskwela sa Nobyembre 4, pagkatapos ng Undas.

Sinabi ni DepEd Secretary Armin A. Luistro, nakipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan ng mga naturang lalawigan para maitakda ang petsa ng pagbabalik-klase ng mga mag-aaral.

“We have coordinated with the local authorities and classes will resume on November 4,” anang Kalihim.

Ayon kay Luistro, gagamiting pansamantalang classroom ng mga estudyante ang mga tents, multi-purpose hall at basketball courts.

Matatandaang hindi muna pinapasok sa paaralan ang mga estudyante sa mga nabanggit na lalawigan upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata bunsod ng peligrong dulot ng aftershocks.

Ipinasusuri na rin ni Luistro sa mga engineers ng DepEd ang kalagayan ng mga paaralan doon, hindi lamang ang mga nasira, kundi maging ang mga nakatayo upang matukoy kung ligtas ang mga ito o hindi para sa mga mag-aaral.

 

AYON

BOHOL

CEBU

DEPARTMENT OF EDUCATION

INIHAYAG

IPINASUSURI

LUISTRO

NOBYEMBRE

SECRETARY ARMIN A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with