^

Police Metro

861 kawal idi-deploy sa Metro Manila 10 barangay nasa hotspot…

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Upang matiyak na magiging matiwasay at mapayapa ang gagana­ping barangay elections sa darating na Oktubre 28 ay idi-deploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 861 kawal sa Metro Manila upang tumulong sa pulisya sa pa­ngangalaga ng seguridad.

Sa Metro Manila ay nasa 10  barangay ang iniligay sa “election hotspot list” ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) dahil sa init ng tunggalian ng mga lokal na politiko na tumatakbo ngayon.

Kabilang sa mga barangay na nakasama sa talaan ang: Barangay 503 sa Maynila; Barangay 587 sa Caloocan City; Barangay Wawang Pulo sa Valenzuela City; Barangay Maharlika sa Taguig City; Barangay Pineda sa Pasig City; Barangay Pio del Pilar sa Makati City; Barangay Sto. Domingo sa Quezon City; Barangay Catmon sa Malabon City; Barangay Navotas West; at Barangay North Bay Boulevard South sa Navotas City

Napabilang ang mga ito sa election watchlist o hotspots dahil sa mga beripikadong ulat na ma­tindi ang tunggalian ng mga kandidato at pinagbatayan din ang mga dati nang nangyaring karahasan sa halalan sa mga nasabing lugar.

Kabilang sa palalakasin ng mga idi-deploy na sundalo ay ang maigting na pagbabantay sa checkpoints, visibility patrol, pagtulong sa itatag na Joint Security Assistance Desk, pangangalaga  sa seguridad ng 743 voting centers at maging sa mga pangunahing instalasyon ng gobyerno.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BARANGAY

BARANGAY CATMON

BARANGAY MAHARLIKA

BARANGAY NAVOTAS WEST

BARANGAY NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

BARANGAY PINEDA

CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with