^

Police Metro

Kandidatong Kapitan natagpuang patay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad na tumatakbong kapitan ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay dahil sa tama ng bala sa sentido.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Caloocan City Police kung pinatay o nagpakamatay ang biktima na nakilalang si Victor Ando, nasa hustong gulang, ng Barangay 160, Santa Quiteria, nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang makarinig ng putok ng baril ang kaanak ng biktima sa loob ng kuwarto.

Nang puntahan ang kuwarto ay natagpuan ang biktima na duguan ang sentido kaya’t agad na dinala sa ospital, subalit idineklara itong dead on arrival.

Ang biktima na bukod sa pagiging kagawad ng tatlong termino na tumatakbong kapitan ay kasalukuyang presidente rin ng tricycle operators and drivers association sa kanilang lugar.

vuukle comment

BARANGAY

BIKTIMA

CALOOCAN CITY POLICE

ISANG

KAGAWAD

KAPITAN

NAGSASAGAWA

NANG

SANTA QUITERIA

VICTOR ANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with