^

Police Metro

Barangay election Peace covenant isinagawa

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsagawa kahapon ng Peace Covenant for Secure and Fair Election ang may 500 na mga kandidato na tatakbo bilang mga kapitan at kagawad sa San Juan City.

Sinabi ni P/Supt. Joselito Daniel, hepe ng San Juan City Police, ang isinagawang peace covenant ay upang maiwasan ang anumang kaguluhan sa darating na Barangay election sa October 28.

Ganap na alas-9:00 ng umaga nang simulan ang MOA signing ng mga kandidato na ginanap sa San Juan City Police Station mula sa 21 Barangay sa lungsod.

Dumalo rin sa pirmahan si Commission on Election (COMELEC) Officer Atty. Edgar Aringay; Eastern Police District (EPD), CDDS P/Supt. Wilson Caubat; Director of Values Formation Dr. Nicolas Amatori; PPCRV Coordinator Teresita Santiago at mula naman sa PCRG Camp Crame na si P/Supt. Remigio Sedanto.

Ang mga kandidato ay susunod sa rules and regulation ng Comelec at pangkalahatang kapayapaan hindi lamang sa lungsod ng San Juan bagkus maging sa buong Pilipinas sa darating na election.

vuukle comment

CAMP CRAME

COORDINATOR TERESITA SANTIAGO

DR. NICOLAS AMATORI

EASTERN POLICE DISTRICT

EDGAR ARINGAY

JOSELITO DANIEL

OFFICER ATTY

PEACE COVENANT

REMIGIO SEDANTO

SAN JUAN

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with