^

Police Metro

Nagtanggol sa dalaga, dinedo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 22-anyos na binata nang barilin ng isang la­sing na lalaki matapos na  ipagtanggol ang ginaga­wang pambabastos sa ka­niyang kaibigang babae kamakalawa ng gabi sa Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna.

Ang nasawi ay nakila­lang si Ochoner Balunsat, ng Brgy. Canlubang ng lungsod na ito matapos masapol ng mga tama ng bala sa katawan.

Ang suspek na tuma­kas ay tinukoy sa panga­lang Jake, ng Sitio Paltok, Brgy. Canlubang ng lung­­sod.

Batay sa ulat, dakong alas-11:15 ng gabi ay bi­na­bastos umano ng suspek ang kaibigan ng biktima na si Ira Christine Cayube, 22 at dito ay sumaklolo ang biktima at sinaway ang huli.

Hindi nagustuhan ng suspek ang pakikialam ng biktima kung kaya’t kinuha ang nakatagong baril at walang sabi-sabing ipinutok ito sa biktima.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

CALAMBA CITY

CANLUBANG

IRA CHRISTINE CAYUBE

NAMATAY

OCHONER BALUNSAT

SHY

SITIO PALTOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with